|
||||||||
|
||
Ayon sa awtoridad ng kalusugan ng Tsina, mula hating gabi ng Linggo, Enero 26, 2020, 769 ang bagong naiulat na kumpirmadong kaso ng pagkahawa sa bagong uri ng coronavirus sa buong bansa, 137 ang karagdagang kaso na nasa kritikal na kondisyon, 3,806 ang bagong pinaghihinalaang kaso, at 24 na bagong namatay rito.
Hanggang sa nasabing panahon ng Linggo, 2,744 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa Tsina, 461 kaso ang nasa kritikal na kondisyon, at 80 ang binawian ng buhay. Bukod dito, 5,794 ang pinaghihinalaang kaso, at 51 katao ang gumaling na.
Naiulat na ang 8 kumpirmadong kaso sa Hong Kong, 5 sa Macao at 4 sa Taiwan.
Ayon pa sa ulat, 7 kumpirmadong kaso ang naitala sa Thailand, 3 sa Hapon, 3 sa Timog Korea, 3 sa Amerika, 2 sa Biyetnam, 4 sa Singapore, 3 sa Malaysia, 1 sa Nepal, 3 sa Pransya, at 4 na Australia.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |