Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, pagsubok sa kakayahan sa governance ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-01-28 14:08:06       CRI

Ipinagpapatuloy ang paglaban ng Tsina sa epidemiya ng pneumonia na dulot ng bagong uri ng coronavirus. Ang kasalukuyang panahon ay Spring Festival travel rush sa bansa, at ito ay tinatawag na "pinakamalawakang pandarayuhan ng sangkatauhan sa mundo." Ang pagharap sa naturang mabigat na pangyayari ng kalusugang pampubliko sa ganitong travel rush ay nagsisilbing isang napakapangkagipitan, napakasalimuot at napakahirap na hamon. Walang duda, nahaharap ang Tsina sa pagsubok sa kakayahan nito sa pagharap sa krisis ng seguridad na pampubliko at pangangasiwa sa bansa.

Sa harap ng pagkalat ng epidemiya, mabilis na binuo ng pamahalaang sentral ang leading group ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at pinapabilis ang pagkontrol sa epidemiya, paggagamot ng mga may-sakit, pananaliksik na pansiyensiya't panteknolohiya, at pagsasapubliko ng mga impormasyon. Pinahaba ng Konseho ng Estado ang bakasyon ng Spring Festival. Idinaos ng opisyal ng komisyon ng kalusugan ang araw-araw na news briefing para ipaalam ang mga impormasyong may kinalaman sa epidemiya. Ang mas maraming tauhang medikal, pasilidad, materyal at pondo ay ipinapadala sa Lalawigang Hubei. Mabilis na sumusulong ang konstruksyon ng pamsamantalang ospital sa Wuhan. Ang lahat ng nabanggit na mga hakbangin ay upang igarantiya sa pinakamalaking digri ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Kasabay nito, iginigiit ng pamahalaan ang hayagan, maliwanag, napapanahon at tumpak na pagpapaalam ng mga impormasyong may kinalaman sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, bagay na nagpatingkad ng mahalagang papel para sa pagpapatatag ng kaayusan ng lipunan at pagpapalakas ng kompiyansa ng mga mamamayan.

Napapanahon ding ipinapaalam ng Tsina sa World Health Organization (WHO) ang kalagayan ng epidemiya, at ibinabahagi ang mga impormasyong teknikal at complete genomic sequence ng bahagi ng mga strain. Ipinalalagay ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na ang kilos ng Tsina sa nasabing epidemiya ay nagpapakita ng namumunong papel nito sa larangan ng kalusugang pandaigdig. Hinangaan din niya ang transparency, pagbabahagi ng mga datos, at mabilis na reaksyon ng Tsina sa pagharap sa naturang epidemiya.

Sa mga isyung may kinalaman sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan, hindi na uurong ang Tsina. Dapat pahigpitin ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, walang humpay na isaayos ang mga katugong hakbangin ayon sa pagbabago ng kalagayan, at pataasin ang kakayahan sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at pamamahala, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>