|
||||||||
|
||
Nagtagpo kahapon, Lunes, ika-27 ng Enero 2020, sa Washington D.C., sina Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations, at Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, hinggil sa kalagayan ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus.
Binigyang-diin ni Zhang, na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang mga Gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at ginawa ni Pangulong Xi Jinping ang mga mahalagang patnubay hinggil dito. Dagdag niya, nabuo na ang sistema ng pagbibigay-lunas sa mga may-sakit at pagkontrol sa epidemiya na sumasaklaw sa buong bansa. Sinabi rin ni Zhang, na batay sa responsableng atityud, makikipagtulungan ang Tsina sa komunidad ng daigdig, para maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito.
Hinahangaan naman ni Guterres ang mga ginagawang pagsisikap ng Tsina. Ipinahayag niya ang pananalig sa kakayahan ng panig Tsino sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng novel coronavirus. Nakahanda rin aniya ang UN na magbigay, sa abot na makakaya, ng pagkatig at tulong sa Tsina.
Salin: Frank
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |