Sa pagtatagpo nila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ginawa kamakailan sa Beijing, pinapurihan ni Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO) ang mga gawain ng Tsina laban sa epidemiya ng novel coronavirus sa tatlong aspekto--mabilis na reaksyon, malawak na saklaw, at mataas na episiyensiya.
Totoo ang sinabi ni Ginoong Ghebreyesus. Pagkaraang sumiklab ang epidemiya, kinilala ng Tsina ang pathogen sa loob ng mahigit isang linggo, at ibinahagi sa WHO at ibang mga bansa ang genetic sequence ng novel coronavirus. Napapanahong isinagawa ang mga hakbanging gaya ng pansamantalang lockdown ng lunsod ng Wuhan, kung saan unang naganap ang epidemiya, at pagtatayo ng dalawang coronavirus hospital sa lunsod sa loob ng 7 araw. Ipinapadala sa Wuhan ang mga karagdagang tauhang medikal mula sa iba't ibang lugar ng Tsina, at inihahatid din ang mga kagamitang medikal at ibang mga kinakailangang materyal. Samantala, ipinapatupad na sa 30 probinsyang Tsino ang Level 1 ng Public Health Emergency Response na sumasaklaw sa 1.3 bilyong populasyon.
Hindi posibleng lipulin kaagad ang sakit, at mahigpit pa rin ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Ang bawat pagsisikap na ginagawa ng mga mamamayang Tsino ay para mangalaga hindi lamang ng sarili, kundi pati rin ng mga mamamayan ng daigdig. Sa pamamagitan ng bentahe ng sistema, mga garantiya ng materyal, siyensiya't teknolohiya, at ideya ng pagpapauna ng mga tao, may lubos na kompiyansa at kakayahan ang Tsina na manalo sa pakikibaka laban sa epidemiya ng novel coronavirus.
Salin: Frank