Ipinasiya nitong Miyerkules, Enero 29, 2020 ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na dahil sa "walang galang na pakikitungo" ng ilang opisyal ng Kongresong Amerikano sa kanya mismo at mga opisyal ng Pilipinas, "putulin" ang pakikipagdalawan sa Amerika, at ipagbawal nang walang deadline, ang pagpunta ng mga miyembro ng gabinete sa Amerika para dumalo sa anumang opisyal na aktibidad.
Ani Duterte, hindi siya dadalo sa Summit ng mga Lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Amerika na gaganapin sa darating na Marso sa Amerika. Hindi rin siya magpapadala ng iba pang opisyal sa pagdalo sa nasabing summit, aniya pa.
Salin: Lito