Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang alas-24:00 kagabi, Enero 30, 213 ang namatay dahil sa epidemiya ng bagong coronavirus. Samantala, 9,692 ang kumpirmadong kaso ng pagkahawa ng virus at 171 ang gumaling sa loob ng bansa.
Samantala, sa panayam ng mamamahayag ng China Media Group Filipino Service, sa mga opisyal ng Konsulado ng Pilipinas sa Shanghai, Hong Kong at Pasuguan sa Beijing, hanggang kahapon ng alas 4, walang mga Pinoy sa Chinese mainland ang nahawahan ng sakit na dulot ng bagong coronavirus. Isang Pinoy sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang inoobersahan. Patuloy ang pagbibigay ng mga diplomatang Pilipino ng advisories sa komunidad. Bukas ang linya ng komunikasyon sa nasabing mga kunsulado at pasuguan upang agad na rumisponde sa mga Pilipinong mangangailangan ng tulong.
Ulat/Salin: Mac/Jade