|
||||||||
|
||
Sanhi ng pagsiklab ng epidemiya ng novel coronavirus, nawala ang masiglang kalagayan ng konsumo sa mga lugar na gaya ng mga shopping mall, restawran, at sinehan sa panahon ng bakasyon ng Spring Festival. Dahil dito, marami ang nabahala sa tunguhin ng paglago ng kabuhayang Tsino.
Sa katunayan, dahil sa napakabilis na pag-unlad ng internet, ang digital economy ay nagsisilbing mahalagang suportang naggagarantiya sa takbo ng lipunan ng Tsina.
Si Ginang Han ay nakatira sa Beijing. Sapul nang sumiklab ang epidemiya, nananatili sa bahay ang kanyang buong pamilya.
Sa pamamagitan ng online shopping, bumibili si Ginang Han ng mga pang-araw-araw at esensiyal na kagamitan, na gaya ng sariwang gulay, karne at prutas.
Samantala, ang mobile game at panonood ng mga TV series sa mobile devices ay pang-araw-araw na libangan ng kanyang asawa.
Ipinagpatuloy naman ng kanyang anak ang pag-aaral, sa pamamagitan ng mga online course.
Ang pamumuhay ng pamilya ni Ginang Han ay isang halimbawa ng pag-unlad ng digital economy ng Tsina.
Ayon sa datos, noong 2018, umabot sa 31.3 trilyong yuan RMB ang digital economy ng Tsina.
Ito ay pumangalawa sa daigdig, at katumbas ng 34.8% ng GDP ng bansa.
Nang sumiklab ang epidemiya, naging mas kapansin-pansin ang papel at kahalagahan ng digital economy.
Nitong nakalipas na ilang araw, ginagamit ng iba't ibang e-commerce platform ng Tsina ang bentahe ng kani-kanilang supply chain, para maigarantiya ang suplay sa pamilihan, sa kasalukuyang espesyal na panahon.
Kasabay nito, masiglang umuunlad ang mga industriyang gaya ng video, live, online game, online education at iba pa.
Sa panahon ng Spring Festival, may malinaw na pagtaas ang bilang ng mga daily active user at time spending ng mga user ng halos lahat ng mga pangunahing laro sa pamilihan.
Dahil sa mga ito, mabilis na nababawasan ng pag-unlad ng digital economy ang negatibong epekto ng epidemiya sa malaking digri.
May kompiyansa't kakayahan ang Tsina para puksain ang epidemiya, at mapanatili ang pangmatalagan at matatag na paglago ng kabuhayan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |