|
||||||||
|
||
Sa unang online news briefing nitong Lunes, Pebrero 3, 2020, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na gumawa ng di-nararapat na sobrang reaksyon ang Amerika kaugnay ng epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov) sa Tsina.
Ito aniya ay salungat sa mungkahi ng World Health Organization (WHO).
Ani Hua, kaugnay ng kaukulang epidemiya, isinasagawa o pinapalakas ng maraming bansa ang mga hakbangin ng kuwarentanas at pagpigil sa epidemiya sa mga Tsino na pumasok sa kani-kanilang bansa, at ito ay nauunawaan at iginagalang ng Tsina.
Samantala, ilang bansa, lalung lalo na, ang Amerika ay nagsagawa naman ng radikal at di-nararapat na sobrang reaksyon hinggil dito, diin ni Hua. Aniya, salungat ito sa mungkahi ng WHO.
Tinukoy ni Hua na nakahanda ang kanyang bansa na patuloy na palakasin ang kooperasyon sa WHO at komunidad ng daigdig, ayon sa hayagan, maliwanag, at lubos na responsableng pakikitungo.
Umaasa aniya siyang makatuwiran, mahinahon, at siyentipikong tatasahin at haharapin ng lahat ng panig ang epidemiya sa Tsina.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |