|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon para mapagtagumpayan ang epidemiya ng coronavirus.
Sinabi ni Huang na nararamdaman ng Tsina ang mga pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, Kalihim Teddy Locsin ng Ugnayang Panlabas at Kalihim Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office, ukol sa pagsuporta sa mga gawain ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiyang ito.
Sinabi ni Huang na naunawaan ng Tsina ang pagkabahala ng Pilipinas at nakahanda ang kanyang bansang panatilihin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Pilipinas para magkasamang mapagtagumpayan ang epidemiyang ito.
Nanawagan din si Huang sa lipunang Pilipino na panatihilin ang pagtitimpi at alamin kung alin ang makatotohanan at pekeng balita.
Ulat: Ernest
Pulido: Rhio
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |