Kaugnay ng mga alituntunin hinggil sa kabawalan sa turismo at kalakalan na isinasagawa ng ilang bansa bilang tugon sa epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov) sa Tsina, sinabi nitong Lunes, Pebrero 3, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na kinakailangan ang mga hakbangin ng pagpigil sa epidemiya, pero di-nararapat ang sobrang reaksyon.
Aniya, nananatili ang mungkahi ng WHO na huwag hadlangan ang paglalakbay at kalakalang pandaigdig.
Salin: Vera