|
||||||||
|
||
Ipinahayag Huwebes, Pebrero 6, 2020 ni Mayor Sara Duterte ng Davao City na naniniwala siyang sa ilalim ng pamumuno ng Pamahalaang Tsino, siguradong mapagtatagumpayan ng Tsina ang epidemiya ng novel coronavirus.
Nagtagpo sa Davao City sina Mayor Sara Duterte at Huang Xilian, Embahador Tsino sa Pilipinas. Sinabi ni Sara na nauunawaan ng mga mamamayan ng Davao ang damdamin ng mga mamamayang Tsino sa paglaban sa epidemiya. Nakahanda aniya siyang ipagkaloob, sa abot ng makakaya, ang mga tulong sa panig Tsino.
Mula kaliwa hanggang kanan: Vice Mayor Sebastian Z. Duterte ng Davao, Mayor Sara Duterte, Huang Xilian Embahador ng Tsina sa Pilipinas at Consul General Li Lin ng Konsulado Tsina sa Davao.
Inilahad naman ni Embahador Huang ang kasalukuyang kalagayan sa Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng bagong coronavirus. Binigyang-diin niyang isinasagawa ng Pamahalaang Tsino ang pinakamahigpit at komprehensibong hakbangin para rito. Dagdag pa niya, may determinasyon, pananalig at kakayahan ang Pamahalaang Tsino na mapagtagumpayan ang epidemiyang ito.
Nakahanda aniya ang bansang Tsina na batay sa atityud na bukas, transparent at responsable, patuloy na pahigpitin, kasama ng komunidad ng daigdig na gaya ng Pilipinas, ang kooperasyon para bigyang-ambag ang kaligtasan ng kalusugang pampubliko ng rehiyong ito at buong daigdig.
Tinalakay din nina Embahador Huang at Mayor Duterte ang kasalukuyang relasyong Sino-Pilipino at mga kooperasyon sa pagitan ng Davao City at panig Tsino.
Ulat: Ernest
Pulido: Mac
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |