Sa online briefing Biyernes, Pebrero 7, 2020, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ginawa ng panig Tsino at World Health Organization ang plano para maigarantiya ang napapanahon at mabisang pagharap ng rehiyon ng Taiwan sa mga biglaang pangyayari sa kalusugang pampubliko na magaganap, sa loob ng Taiwan man, o sa mundo. Hinimok niya ang ilang tao ng panig Amerikano at Taiwan na itigil ang political hype or political operation, sa katwiran ng epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov).
Diin ni Hua, ang WHO ay espesyal na organo ng UN na binubuo ng mga soberanong bansa. Aniya, ang pagsali ng Taiwan sa mga aktibidad ng mga organisasyong pandaigdig na gaya ng WHO ay dapat isaayos sa ilalim ng simulaing "Isang Bansa," sa pamamagitan ng pagsasanggunian ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.
Salin: Vera