|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono nitong Biyernes, ika-7 ng Pebrero, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika. Diin ni Xi, may lubos na kompiyansa at kakayahan ang Tsina na puksain ang epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov), at hindi magbabago ang tunguhin ng mainam na pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa mahabang panahon.
Ang epekto ng epidemiya sa kabuhayan ay depende sa progreso at bisa ng gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Sa kasalukuyan, nasa masusing panahon ang gawaing ito. Gamit ang espasyo ng pagsasaayos sa patakarang pinansyal at pansalapi, inilunsad ng pamahalaang Tsino ang isang serye ng mga patakaran at hakbangin, upang pigilan ang epidemiya, at igarantiya ang unti-unting pagpapanumbalik ng produksyon at pamumuhay sa iba't ibang lugar.
Samantala, sapat ang paghahanda ng Tsina para mapatatag ang pamilihan. Bilang isa sa iilang bansa sa daigdig na nagsasagawa pa rin ng conventional monetary policy, may sapat na kagamitang pampatakaran ang Tsina para harapin ang presyur ng pagbaba ng kabuhayan.
Ipinalalagay ng maraming ekonomista sa loob at labas ng bansa na pagkaraang mapahupa ang kalagayan ng epidemiya, pasisiglahin ang ipinagpapalibang konsumo at pamumuhunan, at posibleng lilitaw ang kompensatoryong pagpapanumbalik ng kabuhayang Tsino.
May kakayahan ang Tsina na pagtagumpayan ang epidemiya, panatilihin ang tunguhin ng mainam na pag-unlad ng kabuhayan sa mahabang panaho, at patuloy na pasiglahin ang lakas-panulak para sa paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |