|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono ngayong araw, Biyernes, ika-7 ng Pebrero 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCoV).
Binigyang-diin ni Xi, na isinasagawa ng Tsina ang pinakakomprehensibo at pinakamahigpit na mga hakbangin bilang pagpigil at pagkontrol sa sakit na ito. Mayroon aniyang kompiyansa at kakayahan ang Tsina, na pagtagumpayan ang epidemiya, at hindi rin magbabago ang tunguhin ng mainam na pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Sinabi rin ni Xi, na batay sa pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan hindi lamang ng Tsina, kundi rin ng buong daigdig, napapanahong ipinapaalam ng Tsina sa World Health Organization at mga bansa at rehiyong kinabibilangan ng Amerika ang hinggil sa kalagayan ng epidemiya.
Pinapurihan ni Xi ang pagbibigay ni Trump ng positibong pagtasa sa mga gawain ng Tsina laban sa epidemiya, at pinasalamatan din ang iba't ibang sirkulo ng Amerika sa pagkakaloob ng mga tulong sa Tsina. Umaasa aniya siyang isasagawa ng panig Amerikano ang mahinahong pagtasa sa kalagayan ng epidemiya, at itatakda ang mga makatwirang katugong hakbangin. Kailangang panatilihin ng Tsina at Amerika ang pag-uugnayan at palakasin ang pagkokoordina, para magkasamang labanan ang epidemiya.
Ipinahayag naman ni Trump ang pagsuporta ng Amerika sa pakikibaka ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus. Ipinakikita aniya ng Tsina ang namumukod na kakayahan sa pag-oorganisa at pag-responde bilang tugon sa mga pangkagipitang pangyayari. Ipinahayag din ni Trump ang kompiyansa sa pagtatagumpay ng Tsina kontra sa sakit, at pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Nagpalitan din ng palagay ang dalawang lider hinggil sa pagpapatupad ng unang yugto ng kasunduan sa kabuhayan at kalakalan. Ipinahayag din nila ang kahandaang magkasamang pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa tungo sa tumpak na landas.
Salin: Liu Kai
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |