Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong coronavirus, pandaigdig nang emerhensiya: restriksyon sa paglalakbay at kalakalan, tinututulan

(GMT+08:00) 2020-01-31 16:08:48       CRI

Ipinatalastas nitong Huwebes, Enero 30, ni Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO), na ang pagkalat ng bagong coronavirus ay isa nang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).

Sa preskon makaraan ang closed-door meeting ng Emergency Committee sa Geneva, punong himpilan ng WHO, ipinagdiinan ni Ghebreyesus na hindi hinihikayat o higit pa, tinututulan ng kanyang organisasyon ang restriksyon sa paglalakabay at kalakalan laban sa Tsina.

Alinsunod sa International Health Regulations (IHR), may kapangyarihan ang WHO director-general na magpasiya kung ang isang pagkalat ay isa nang PHEIC.

Layon ng nasabing designasyon na pakilusin ang mas maraming yamang pandaigdig para tugunan ang epidemiya.

Sapul nang magkabisa ang IHR noong 2007, ilang deklarasyon ng PHEIC ang ipinatalastas ng WHO.

Kinikilala ni Ghebreyesus ang sarilinang pangunguna ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pambansang pagsisikap para mapigilan at makontrol ang epidemiya.

Hinahangaan din niya ang Tsina sa mabilis na pagtuklas ng pagkalat, pag-alam hinggil sa virus, pagkakaroon ng genetic sequence ng virus at pagbahagi sa WHO at iba pang mga bansa.

Bilib din aniya siya sa transparency at pangako ng Tsina sa pagbibigay-suporta sa iba pang mga bansa.

Ipinahayag ni Ghebreyesus ang pananalig na mabisang mapipigilan at mapagtatagumpayan ng Tsina ang epidemiya.

Ang pagsisikap dito ng Tsina ay karapat-dapat na igalang, kilalanin at gayahin, dagdag pa niya.

Salin: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>