|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Huwebes ng gabi (lokal na oras) Enero 30, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) na ang epidemiya ng pneumonia na dulot ng novel coronavirus ay isa nang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC). Pero, ipinagdiinan niyang ang designasyong ito ay hindi nangangahulugan ng kawalang-tiwala sa Tsina.
Tuluy-tuloy aniya ang kompiyansa ng WHO sa kakayahan ng Tsina sa pagkontrol sa epidemiya, at hindi nito iminumungkahi, o higit pa, tinututulan ng kanyang organisasyon ang pagsasagawa ng restriksyon sa paglalakbay o kalakalan laban sa Tsina.
Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang epidemiya ng novel coronavirus.
Sa ilalim ng kondisyong ito, ang pinakahuling designasyon ng WHO sa nasabing epidemiya ay nakakatulong sa pagpaplakas ng pandaigdigang koordinadong hakbangin, para harapin ang epidemiya.
Nakakabuti rin ito sa pagkakaloob ng kinakailangang tulong na pandaigdig sa mga bansang may mahinang sistemang pangkalusugan o di-sapat na kakayahan sa kalusugang pampubliko, upang maiwasan ang pagkalat ng epidemiya sa buong mundo.
Habang ipinapatalastas ni Ghebreyesus ang nasabing designasyon, iniharap din niya ang 7 mungkahing kinabibilangan ng hindi pagsasagawa ng walang katuwiran at di-kinakailangang kabawalan sa paglalakbay at kalakalan sa Tsina, pagkatig sa mga bansang may mahinang sistemang pangkalusugan, pagpapabilis ng pananaliksik at pagpoprodyus ng bakuna at iba pa.
Ang kanyang mga mungkahi ay nababatay sa lubos na pagkilala sa gawain ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at maingat na pagtasa sa mga nakatagong epekto ng nasabing designasyon.
Makakabuti ito sa pagpapahupa ng mga di-makatwirang damdamin ng komunidad ng daigdig, at pag-iwas sa pagsasagawa ng ilang bansa't rehiyon ng mga radikal na aksyon laban sa Tsina.
Ito rin ay upang iiwas sa negatibong epekto ang kalakalan at paglago ng ekonomiyang pandaigdig sa dulot ng epidemiya.
Sa kalagayan ng globalisasyon, walang hanggahan ang mga biglaang pangyayari ng kalusugang pampubliko.
Sa harap ng panganib ng pagkalat ng epidemiya ng novel coronavirus, dapat palakasin ang koordinasyon ng komunidad ng daigdig, at magkasamang panaigan ang kahirapan.
Batay sa hayagan, maliwanag at responsableng pakikitungo, patuloy na palalakasin ng Tsina ang kooperasyon sa WHO at iba't ibang bansa.
May kompiyansa at kakayahan ang Tsina na puksain ang epidemiya sa lalong madaling panahon, at pangalagaan ang mga mamamayan ng sariling bansa at buong mundo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |