Pinanguluhan Pebrero 12, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pulong ng Central Politburo Standing Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Binigyan-diin sa Pulong na ang positibong pagbabago ay lumitaw sa kasalukuyang epidemiya ng novel corona virus (COVID-19). Kasabay ng patuloy na pagpigil ng epidemiya, dapat magsikap para isakatuparan ang target ng lipunan at kabuhayan, at panatilihin ang matatag na kabuhayang Tsino at may harmoniyang lipunan, ayon pa sa pulong. Sinabi din ng pulong na daragdagan ang paglalaan ng pondo sa iba't ibang lugar ng Tsina para igarantiya ang mga pangangailangan ng paglaban sa epidemiya.
Ang 2020 ay taon kung kailan nakatakdang matapos ng Tsina ang komprehensibong konstruksyon ng may kaginhawahan lipunan at ika-13 " Panlimahang Taong Plano."
Salin: Sarah