Nitong Martes, Pebrero 11, 2020, pinanguluhan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang Pirmihang Pulong ng Konseho ng Estado para ibayo pang isaayos ang takbo ng kabuhayan at igarantiya ang suplay ng mga saligang pangangailangan, kasabay ng puspusang pagpapalakas ng pagpigil at pagkontrol sa kalagayang epidemiko ng nova corona virus (COVID-19).
Makaraang pakinggan ang ulat ng mga kaukulang departamento tungkol sa paggarantiya sa suplay ng mga pangunahing medikal na materiyal at maayos na pagpapanumbalik ng kaayusan ng produksyon at pamumuhay, hiniling sa pulong na dapat palakasin ang mga gawaing kinabibilangan ng una, yugtu-yutgo at maayos na pagpapanumbalik ng produksyon ng mga bahay-kalakal; ikalawa, pagpapabilis ng produksyon ng mga medikal na materiyal; ikatlo, pagbalangkas ng plano para maayos na organisahin ang pagbalik ng mga manggagawa sa kanilang trabaho; ikaapat, pagbuo ng mekanismo ng iba't-ibang lugar at departamento upang tulungan ang mga pribadong bahay-kalakal sa pagpawi ng kanilang kahirapan; ikalima, paggarantiya ng suplay ng mga kinakailangang kagamitang pampamumuhay; ika-anim, totohanang paggarantiya ng normal na operasyon ng mga pangunahing linyang pangkomunikasyon, at maayos na panumbalikin ang pampublikong transportasyon at komunikasyon sa mga lunsod; ikapito, pagpapasulong ng pagsisimula at konstruksyon ng mga malaking proyekto; ikawalo, pagbibigay-pansin sa isyu ng paghahanap-buhay para mapigilan ang malawakang layoff.
Diin din ng pulong, kasabay ng pagpapalakas ng pagpigil at pagkontrol sa kalagayang epidemiko, dapat maayos na pasulungin ang iba't-ibang tungkulin ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan upang mapangalagaan ang normal na pagtakbo ng kabuhayan at lipunan.
Salin: Lito