Hanggang nitong Miyerkules, Pebrero 12, 2020, naisaoperasyon ang 7 makeshift hospital sa lunsod Wuhan. Ito ay ayon sa Center for Disease Control and Prevention ng Wuhan, Lalawigang Hubei ng Tsina. Sa kasalukuyan, lampas na sa 40 ang bilang ng mga organong medikal na gumagamot sa nova corona virus (COVID-19), at mabisang napataas ang kakayahan sa paggagamot at pagtanggap sa mga may-sakit.
Ayon sa salaysay, 4,966 doktor at nars ang nagtatrabaho sa nasabing 7 ospital. Mula Pebrero 6 hanggang alas-7 ng Pebrero 12, tinanggap ng kaukulang ospital ang 4,313 pasyente.
Salin: Vera