Nag-usap sa telepono Pebrero 13, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Mahathir Bin Mohamad, Premyer ng Malaysia.
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Malaysia ay may malalim na pagkakaibigan, at magkasama ang dalawang panig sa pagharap sa epidemiya ng COVID-19. Kasabay nito, patuloy na pinapalalim ng dalawang bansa ang relasyon ng dalawang panig, partikular na, ang kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI), para walang humpay na magtamo ng mas maraming bunga at magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Binigyan-diin ni Xi na sapul nang lumitaw ang COVID-19, isinasagawa ng Tsina ang pinakamalakas na hakbangin sa paglaban sa epidemiya at natamo ang positibong bunga. Tiyak na magtatagumpay ang Tsina kontra-epidemiya at mapapanatili ang mabuting tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Ipinahayag ni Mahathir na pinapurihan ng Malaysia ang pagsisikap ng Tsina sa paglaban sa epidemiya at positibong bunga na natamo ng Tsina. Nakahanda ang Malaysia na patuloy na ipagkaloob ang tulong sa Tsina. Nakahanda ang mga bansang ASEAN na makipagkooperasyon sa Tsina hinggil sa pagpigil ng epidemiya. Lubos na pinahahalagahan ng Malaysia ang ambag na ibinibigay ng Tsina sa Malaysiya, at nakahandang patuloy na palalimin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa at pabutihin ang relasyon ng dalawang panig.
Salin: Sarah