Nangulo nitong Huwebes, Pebrero 13, 2020 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pulong ng leading group ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pagharap sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Tinukoy sa pulong na dapat gawing pokus ng pagpuksa sa epidemiya ang Lalawigang Hubei, lalong lalo na, ang Lunsod ng Wuhan, at puspusang igarantiya ang pangangailangan ng Hubei at Wuhan sa karagdagang tauhang medikal.
Diin sa pulong, dapat mabisang kontrolin ang paggalaw ng populasyon, at sa pamamagitan ng puwersa ng mga komunidad, big data at grid-based health management, pabutihin ang paghahanap at pagmomonitor sa mga taong may malapitang kontak sa mga kumpirmadong kaso at mga taong may panganib na manghawa ng virus.
Tinukoy sa pulong na ang mabisang gamot at panggagamot ay masusing elemento ng pagpuksa sa epidemiya. Dapat puspusang isagawa ang panggagamot, itatag ang national collaborative network ng panggagamot at case database, at ibayo pang kumpletuhin ang plano sa panggagamot. Samantala, dapat pabilisin ang clinical trial ng mga gamot, upang mapataas ang cure rate at mapababa ang mortality rate.
Salin: Vera