Sa news briefing nitong Huwebes, Pebrero 13, 2020, kinumpirma ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasalukuyang tinatalakay ng kaukulang departamento ng panig Tsino at advance team ng World Health Organization (WHO) hinggil sa kongkretong iskeduyal ng magkasanib na grupong tagamasid ng Tsina at WHO.
Ani Geng, layon ng biyahe ng nasabing advance team sa Tsina na makipagtalakayan sa kaukulang departamento ng panig Tsino tungkol sa iskedyul ng magkasanib na grupong tagamasid. Samantala, ang pangunahing hangarin ng pagbubuo ng magkasanib na grupong tagamasid ay magkaroon ang dalawang panig ng malalimang pagpapalitan hinggil sa kalagayang epidemiko ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at kalagayan ng pagkontrol at pagpigil para ipagkaloob ang mahalagang mungkahi sa magkakasamang pagkontrol at pagpigil ng Tsina at mga bansa sa kalagayang epidemiko sa susunod na yugto, dagdag ni Geng.
Salin: Lito