Nitong nakalipas na ilang araw, kasabay ng pagpapabuti ng gawain ng siyentipikong pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ligtas at maayos na pinanumbalik ng mga sentral na bahay-kalakal ng Tsina ang trabaho at produksyon. Hanggang sa kasalukuyan, liban sa mga bahay-kalakal na nagpapaliban ng pagpapanumbalik ng operasyon sa kahilingan ng mga pamahalaang lokal, lampas na sa 80% ang back to work rate ng mahigit 20,000 production-oriented na sangay ng 96 na sentral na bahay-kalakal ng bansa.
Pinapasigla ng mga sentral na bahay-kalakal ang kani-kanilang nakatagong lakas, pinapalawak ang kakayahan sa produksyon, at pinapabilis ang pagpoprodyus ng mahahalagang kagamitang pang-proteksyong medikal na gaya ng mask, protektibong kasuotan, medisinal na alcohol at iba't ibang uri ng pasilidad na medikal.
Ayon sa datos ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission (SASAC) ng Konseho ng Estado ng Tsina, sa kasalukuyan, 98.1% ang back to work rate ng mga sentral na bahay-kalakal ng langis at petrokemika; 91.5% ang back to work rate ng mga bahay-kalakal ng power grid at paggawa ng koryente; 98% bahay-kalakal ng telekomunikasyon ang nagpanumbalik sa operasyon; 86.2% at 82.4% ang back to work rate ng mga mining enterprise at metallurgical enterprise; at komprehensibong pinanumbalik ang operasyon ng mga bahay-kalakal ng pag-iimbak.
Salin: Vera