Lunes, Pebrero 17, 2020, lumipad mula sa 7 paliparan ang mga transporter ng hukbong panghimpapawid ng Tsina, para pangkagipitang ihatid ang mga grupong medikal at materyal sa Lalawigang Hubei, na pinakagrabeng apektado ng epidemiya ng Corona Virus 2019 (COVID-19).
Ang bawat miyembro ng naturang mga grupong medikal ay tumanggap ng tig-isang espesyal na boarding pass.
Nakikita sa mga boarding pass ang panahon ng kani-kanilang biyahe na mula Pebrero 17 hanggang sa araw ng pagpuksa sa epidemiya.
Ang mga pasahero ay ginawaran ng karangalang "pinakamagandang naka-puting-kasuotang sundalo."
Salin: Vera