|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng kanyang official fan page sa Facebook, inilabas ni Ginoong Ryan Luis V. Singson, Gobernador ng Ilocos Sur, ang liham kay Zhang Weiguo, Pangalawang Tagapangulo ng Hubei Provincial Committee ng Pulitikal na Kosultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Sa ngalan ng kanyang lalawigan, inihayag ni Singson ang suporta at pangungumusta sa pagpuksa ng mga mamamayan ng Lalawigang Hubei sa epidemiya ng Corona Virus 2019 (COVID-19).
Ani Singson, noong nagdaang Disyembre, dumalaw sa Pilipinas ang delegasyong pinamunuan ni Zhang Weiguo.
Lumagda aniya ang dalawang lalawigan sa pormal na kasunduan hinggil sa pagsasagawa ng kooperasyon sa maraming larangan.
Dagdag ni Singson, sa kasalukuyan, nahaharap ang Lalawigang Hubei sa biglaang hamong dulot ng epidemiya ng COVID-19.
Lubos aniyang kinakatigan ng kanyang pamahalaan ang isinasagawang hakbangin ng pamahalaan ng Hubei para sa pagpuksa sa epidemiya at mabisang panggagamot sa mga pasiyente.
Ipinagdarasal ni Singson ang paggaling ng mga maysakit sa lalong madaling panahon, at nakikidalamhati rin siya sa mga kamag-anakan ng mga namatay.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |