|
||||||||
|
||
Ipinahayag Pebrero 17, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pupunta si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Vientiane ng Laos, mula Ika-19 hanggang Ika-21 ng buwang ito, para lumahok sa Pulong ng mga MinistrongPanlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)sa isyu ng Corona Virus Disease – 2019 (COVID-19).
Layon ng pulong na pasulungin ang magkasamang pagharap ng dalawang panig sa epidemiya ng COVID-19, pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mgamamamayan ng rehiyong ito, at ibigayan ng ambag para sa usapin ng pampublikong kalusugan ng buong daigdig.
Ayon pa sa ulat, magkasamang mangungulo sa gaganaping pulong sina Wang Yi at Teodoro Lopez Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Sa pulong, nakatakdang ibahagi ni Wang ang malakas na hakbangin na isinasagawa ng Tsina para pigilan ang epidemiya, at makipagpalitan sa mga ministrong panlabas ng ASEAN hinggil sa magkakasamang paglaban sa naturang virus.
Kaugnay nito, inilabas, Pebrero 15, 2020, ng ASEAN ang pahayag na sumusuporta sa pagsisikap ng Tsina sa paglaban sa epidemiya.
Binigyan-diin din nito ang pagpapanatili sa patakaran ng pagbubukas ng kabuhayan.
Bukol dito, ipinahayag ni Geng na ito ay nagpapakita ng tradisyon ng Tsina at ASEAN sa pagtutulungan sa harap ng kahirapan.
Bukod dito,sa paanyaya ni Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos, magkakasamang mangungulo sina Wangyi at Saleumxaysa Ika-5 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation.
Opisyal ding bibisita si Wang sa Laos.
Ipinahayag pa ni Geng na mabisa ang bunga ng Lancang-Mekong Cooperation, at lubos itong pinahahalagahan ng Tsina.
Inaasahan ng Tsina na sa pamamagitan ng pulong, buong lakas na susulong ang pag-unlad ng kabuhayanng Lancang-Mekong, aniya pa.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |