|
||||||||
|
||
Sa sesyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina na gaganapin sa Beijing sa Pebrero 24, 2020, susuriin ang panukalang mosyon hinggil sa pagpapaliban sa Ika-3 Taunang Sesyon ng Ika-13 NPC.
Sinabi ni Zang Tiewei, Tagapagsalita ng Legislative Affairs Commission ng Pirmihang Lupon ng NPC, na ayon sa desisyon ng Ika-15 sesyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-3 NPC, bubuksan sa Beijing sa Marso 5 ang naturang taunang sesyon.
Batay sa desisyong ito, sumusulong ang isang serye ng mga gawaing preparatoryo.
Sa kasalukuyan, nasa masusing panahon ang pagpigil at pagpuksa ng Tsina sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ito ang priyoridad ng lahat ng mga gawain.
Upang pabutihin ang gawain ng pagpuksa sa epidemiya, at ipauna ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, ipinalalagay ng pulong ng tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Ika-3 NPC na kailangang ipagpaliban ang nasabing taunang sesyon sa angkop na panahon.
Samantala, ginagawa ng Pirmihang Lupon ng NPC ang iba't ibang gawaing preparatoryo para sa pagsusog sa mga batas na may kinalaman sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |