Kaugnay ng ulat hinggil sa pagkontrol ng Amerika sa Crypto AG, isang kompanya ng Switzerland, para mangolekta ng mahahalagang impormasyon, sinabi Lunes, Pebrero 17, 2020 ni Geng Shuang Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na paulit-ulit na pinatutunayan ng katotohanan, na ang Amerika ay pinakamalaking tagapag-monitor sa international cyber space, at tunay na imperyo ng mga hacker.
Dagdag ni Geng, nitong nakalipas na mahabang panahon, salungat sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, isinagawa ng pamahalaan at mga kaukulang departamento ng Amerika ang malawak, organisado, at walang pagkakaibang pagmomonitor sa cyber space ng mga dayuhang mataas na opisyal, bahay-kalakal at indibiduwal. Aniya, dapat ipaliwanag ng Amerika sa komunidad ng daigdig ang hinggil dito.
Salin: Vera