Idinaos Miyerkules, Oktubre 4, 2017 sa Washington D.C. ang First Law Enforcement and Cybersecurity Dialogue ng Tsina at Amerika. Magkasamang pinanguluhan nina Guo Shengkun, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, Jeff Sessions, Attorney General ng Amerika at Elaine Duke, Acting Secretary ng Homeland Security ng bansang ito.
Sinariwa ng dalawang panig ang mga natamong bunga sa larangan ng pagpapatupad ng batas at cybersecurity nitong ilang taong nakalipas. Tinalakay din nila ang mga isyu na gaya ng paglaban sa droga at mga krimen sa Internet, at pagpapauwi sa mga iligal na imigrante.
Sinang-ayunan ng dalawang panig na ibayo pang pahihigpitin ang mga may kinalamang kooperasyon at diyalogo.
Binigyang-diin ni Guo na nakahanda ang Tsina na pahigpitin, kasama ng Amerika, ang mga kooperasyon para lutasin ang mga pagkabahala ng dalawang panig sa larangan ng pagpapatupad ng batas.
Ipinahayag naman ng panig Amerikano na dapat pahigpitin ng dalawang panig ang mga may kinalamang kooperasyon para pangalagaan ang kanilang seguridad at kapakanan.