Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong Enero, 2020, 3,485 ang bilang ng mga bagong tatag na bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong dayuhan, at aktuwal na nagamit ng Tsina ang halos 87.6 bilyong Yuan, RMB na pondong dayuhan. Ito ay mas malaki ng 4% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ipinakikita rin nito na sa mga pangunahing bansang pinagmulan ng pondong dayuhan noong isang buwan, magkakahiwalay na lumaki ng 40.6%, 157.1%, at 50.2% ang pamumuhunan mula Singapore, Timog Aprika at Hapon sa Tsina. Magkahiwalay ding lumaki ng 31.3% at 44.8% ang pamumuhunan ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Tsina.
Sa kabila ng epektong dulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hindi nagbabago ang pangkalahatang tunguhin ng matatag na pagbuti ng kabuhayang Tsino.
Salin: Lito