Magkasamang inilabas Enero 15, 2020, ng Chinese Academy of Social Sciences (CASS) at Economic Daily ang Ulat sa Tunguhin ng Kabuhayang Tsino sa 2020.
Ayon sa naturang ulat, matatapos ng Tsina ang pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan at Ika-13 Panlimahang Taong Plano sa taong 2020. Hindi mababago ang matatag at mabuting tunguhin ng kabuhayang Tsino.
Sinabi din ng naturang ulat sa 2020, dapat isagawa ang positibong patakarang pinansyal, itatag ang mekanismo ng pagpapasulong ng konsumsyon at iba pang patakaran para isakatuparan ang kapasyahang bunga ng Sentral na Pulong sa Kabuhayan ng Tsina.