|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono nitong Pebrero 18, 2020, pinasalamatan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Punong Ministro Boris Johnson at Queen Elizabeth II ng Britanya. Tinukoy ni Xi na ipinagkaloob ng Britanya ang suportang materyal sa Tsina para sa paglaban sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ito ay nagpakita ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Xi na nagsisikap ang buong Tsina para pigilan ang paglaganap ng epidemiya sa buong mundo. Patuloy na nakikipagkooperasyon ang Tsina sa iba't ibang bansa, na kinabibilangan ng Britanya, para magkasamang labanan ang epidemiya.
Lubos na pinapurihan ni Johnson, sa ngalan ng pamahalaan ng Britanya at mga mamamayan, ang pagsisikap ng Tsina para pigilan ang epidemiya, at pagbabahagi ng Tsina ng mga kinauukulang impormasyon sa buong daigdig.
Salin: Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |