Inilabas nitong Martes, Pebrero 18, 2020 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang patalastas, na humihiling sa iba't ibang lugar na dapat aktibong pabutihin ang gawain ng pagpapatatag ng kalakalang panlabas at pagpapasulong sa konsumo, upang mapaliit ang epekto ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa pag-unlad ng komersyo.
Ayon sa kahilingan ng nasabing patalastas, dapat pabilisin ng mga departamento ng pagsusuri sa kondisyon ng pagpapanumbalik sa operasyon ang paghawak ng mga prosedyur, at katigan ang maayos na pagpapanumbalik ng mga bahay-kalakal ng kalakalang panlabas, kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan, kompanya ng sirkulasyon ng komersyo at kalakalan, at e-commerce enterprise ng kani-kanilang operasyon at produksyon. Dapat maayos na pasulungin ang mahahalagang proyekto ng magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road. Dapat padaliin ang mga prosedyur ng pangangasiwa sa kabuhaya't kalakalang panlabas, at patnubayan ang pag-aaplay ng mga bahay-kalakal ng lisensiya ng pag-aangkat at pagluluwas, sa pamamagitan ng walang-papel na prosedyur.
Salin: Vera