Makaraang maisaoperasyon ang query system hinggil sa nakakahawang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na magkasamang sinubok-yari ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina at China Electronics Technology Group Corporation (CETC), malawakan itong ginagamit ng mga mamamayang Tsino. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 130 milyong person-time ang gumamit sa sistemang ito, bagay na nagkakaloob ng mahalagang batayan para sa proteksyon sa sarili at pagpigil ng pamahalaan sa epidemiya.
Sa pamamagitan ng nasabing sistema, puwedeng malaman ng mga gumagamit kung nagkaroon sila ng kontak o pakikipag-ugnayan sa maysakit ng COVID-19.
Sinusuportahan ng maraming panig na gaya ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan, Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon, China State Railway Group Co.,Ltd., at General Administration of Civil Aviation ng Tsina (CAAC) ang query system para maigarantiya ang awtentisidad at kapangyarihang pinagmumulan ng mga datos.
Salin: Lito