Munich — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Pebrero 15, 2020 kay Motegi Toshimitsu, Ministrong Panlabas ng Hapon, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang pasasalamat sa ibinibigay na pag-unawa at pagsuporta ng Hapon sa pakikibaka ng Tsina laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag ni Wang ang pananalig na sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at iba't-ibang panig, tiyak na mapagtatagumpayan ang kalagayang epidemiko ng COVID-19. Aniya pa, nakahanda ang Tsina na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Hapon sa mga larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan upang magkasamang mapasulong ang estratehikong relasyon ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Motegi Toshimitsu na ginawa ng panig Tsino ang napakalaking pagsisikap para mapigilan ang pagkalat ng nasabing epidemiya, at lubos itong pinapupurihan ng panig Hapones. Nananalig aniya siyang tiyak na mapagtatagumpayan ng Tsina ang kalagayang epidemiko. Patuloy at puspusan aniyang kakatigan at tutulungan ng kanyang bansa ang Tsina.
Salin: Lito