|
||||||||
|
||
Vientiane — Sa kanyang talumpati sa bangketeng panggabi ng Espesyal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Ika-5 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na kasalukuyang magkakasamang nagpupunyagi ang mga mamamayang Tsino sa pakikibaka laban sa epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, may kompiyansa at kakayahan ang Tsina na mapagtatagumpayan nito ang epidemiya sa pinakamadaling panahon.
Sinabi ni Wang na mula simula, buong tatag na sinusuportahan ng mga bansang ASEAN ang Tsina sa nasabing usapin.
Samantala, bilang bansang tagapagkoordina sa relasyong ASEAN-Sino, gumawa ang Pilipinas ng napakaraming gawain sa loob ng ASEAN, diin ni Wang.
Paniniwala pa ni Wang, tiyak na magtatagumpay ang nasabing pulong kung saan ilalabas ang malinaw at matatag na signal sa buong daigdig na magkakasamang nagsisikap ang Tsina at ASEAN para labanan ang epidemiko, pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa, at pasulungin ang rehiyonal na kaligtasang pangkalusugan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |