Sa pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na ginanap nitong Martes, Pebrero 18, 2020, hiniling nito sa iba't ibang lugar ng bansa na dapat pabutihin ang produksyong agrikultural sa panahon ng tagsibol, at igarantiya ang pag-ani ng pagkaing-butil sa tag-init.
Hiniling sa pulong na dapat pabilisin ang pagpapanumbalik ng operasyon at produksyon ng mga bahay-kalakal ng materyal na agrikultural na gaya ng binhi, pataba, pestisidyo, pagkain sa hayop at iba pa, at itatag ang luntiang tsanel ng transportasyon para igarantiya ang suplay ng materyal na agrikultural. Dapat panatilihin ang katatagan ng pinakamababang presyo ng pagbili ng palay, at maaaring pataasin ito sa angkop sa digri, ayon sa aktuwal na kalagayan. Binigyang sigla rin sa pulong ang mga rehiyong may kakayahang ipagpatuloy ang pagtatanim ng dalawang uri ng bigas sa mga palayan.
Salin: Vera