Sinabi nitong Biyernes, Pebrero 21, 2020 ni W. Ian Lipkin, Propesor ng Epidemiolohiya ng Columbia University, na tumimo sa puso ng mga tao ang ginawang pagsisikap ng Tsina para puspusang puksain ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Si Prepesor Lipkin ay kinikilala bilang virus hunter. Noong nagdaang Enero, bumisita siya sa Tsina para magbigay-tulong sa paglaban sa epidemiya.
Tinukoy niyang mailap na hayop ang pinanggalingan ng novel corona virus, at walang anumang ebidensya ang nagpapatunay na ito ay sanhi ng pagkakamali ng Wuhan Institute of Virology ng Chinese Academy of Sciences. Nanawagan siya sa mga tao na alamin ang mga impormasyon ng epidemiya, sa pamamagitan ng pormal na tsanel, at huwag maniwala sa sabi-sabi.
Salin: Vera