|
||||||||
|
||
Ayon sa Departamentong Pangkalusugan ng Timog Korea, hanggang Pebrero 23, 2020, umabot na sa 602 ang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Timog Korea, at 1 ang namatay kagabi.
Anito pa, hanggang ngayon, 6 ang pangkalahatang bilang ng mga namatay sa bansa.
Kaugnay nito, ipinalabas kahapon ni Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea, ang atas na nagpapataas sa antas ng alerto ng COVID-19 sa "pinakamataas."
Pinalakas na rin ang mekanismo ng pagharap sa epidemiya, bilang tugon sa nasabing alerto.
Bukod dito, ipinatalastas din kahapon ng Ministri ng Edukasyon ng bansa na ipagpapaliban sa Ika-9 ng Marso ang pagsisimula ng klase sa mga paaralan.
Sa kabilang dako, sa bansang Hapon, umabot na sa 838 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, na kinabibilangan ng 691 mula sa barkong "Diamond Princess."
Bukod dito, sa preskon na idinaos kahapon, ipinaalam ng Italya na umabot na sa 152 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob ng bansa, at 3 na ang namatay.
Sa Iran, 43 kumpirmadong kaso, at 8 ang namatay.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |