|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap sa telepono, Pebrero 26, 2020, nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Motegi Toshimitsu ng Hapon, ipinahayag ni Wang na mayroong komong kapalaran ang Tsina at Hapon sa harap ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Pinasalamatan din ni Wang ang suporta ng Hapon sa Tsina.
Sinusubaybayan aniya ng Tsina ang epidemiya sa Hapon at patuloy itong magkakaloob ng tulong.
Lalo pang palalakasin ng dalawang panig ang pagpapalitan para mapababa ang epekto ng epidemiya sa pamamagitan ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa.
Ang Tsina at Hapon ay kapuwa pangunahing ekonomiya ng daigdig, at ang normal na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig ay mahalagang ambag para sa katatagan ng kabuhayang pandaigdig, diin niya.
Ibinahagi naman ni Motegi Toshimitsu ang kasalukuyang kalagayan ng epidemiya sa Hapon.
Ipinahayag niya na itinakda na ng pamahalaang Hapones ang hakbangin para pigilan ang epidemiya, at umaasa siyang patuloy na ibabahagi ng Tsina at Hapon ang impormasyon at palalakasin ang koordinasyon.
Sa usapin naman ng Tokyo Olympic Games, ipinahayag ni Wang na nananalig ang Tsina sa kakayahan ng Hapon na mapagtagumpayan ang paglaban sa epidemiya, at maidaos ang nasabing palaro sa itinakdang panahon.
Samantala, sinabi naman ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ngayon ay masusing panahon para sa Tsina, Hapon at T. Korea sa paglaban sa epidemiya.
Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Hapon at T. Korea, para magkakasamang isagawa ang aksyon, palakasin ang pagkontrol sa mga puwerto at bawasan ang di-kailangang paglalakbay.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |