|
||||||||
|
||
Ipinahayag Pebrero 17, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na mahigpit na sinusubaybayan ng kanyang bansa ang kalagayan ng epidemiya ng COVID-19 sa Hapon. Nakahanda ang Tsina na ipagkaloob ang suporta at tulong sa panig Hapones, kung kakailanganin, aniya pa.
Ayon sa ulat, nadaragdagan sa loob ng Hapon ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Tinukoy ni Geng na kasabay ng paglaban sa epidemiya sa loob ng bansa, nakahanda ang Tsina na ibahagi ang impormasyon at karanasan sa Hapon.
Sa katotohanan, nagsimula na ang kooperasyon ng dalawang panig, aniya.
Binigyan-diin ni Geng na sa harap ng epidemiya, dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyon para magkasamang harapin ang hamong ito.
Hanggang sa kasalukuyan, ipinagkaloob aniya ng Hapon ang pagkatig at tulong sa Tsina, at pinasasalamatan ito ng panig Tsino.
Sinabi rin niyang nakahanda ang Tsina na patuloy na panatilihin ang pakikipagkooperasyon sa Hapon para palakasin ang paglaban sa epidemiya, at magkasamang pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at kaligtasan ng pampublikong kalusugan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |