Sa Ika-43 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), na idinaos sa Geneva, Switzerland, Miyerkules, Pebrero, 26, 2020, mariing pinabulaanan ni Liu Hua, Espesyal Kinatawan sa mga Suliranin ng Karapatang Pantao ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kasinungalingan ng ilang bansang gaya ng Britanya tungkol sa isyu ng Xinjiang. Aniya, binabalewala ng ilang bansa ang katotohanan; pinanghihimasukan ang mga suliraning panloob ng Tsina; at buong tindi itong tinututulan ng panig Tsino.
Tinukoy ni Liu na ang isyu ng Xinjiang ay may kaugnayan sa nukleong kapakanan ng Tsina. Aniya, sapul noong dekada 90, isinagawa ng "Tatlong Puwersa (Terorismo, Separatismo, at Ekstrimismo) sa loob at labas ng Tsina ang ilang libong marahas na teroristikong insidente sa Xinjiang na nagbunsod ng napakalaking kapinsalaan sa buhay at ari-arian, at grabeng lumapastangan sa karapatan ng buhay at iba't-ibang karapatan ng mga mamamayang lokal. Bilang tugon, ani Liu, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang isang serye ng hakbangin upang labanan ang terorismo at ipatupad ang de-radikalisasyon, at lahat ito aniya ay alinsunod sa batas. Dagdag pa niya, lahat ito ay malaking nakakabuti sa kalagayang panseguridad ng Xinjiang at naggagarantiya ng mga pundamental na karapatan ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad doon. Ang hakbang na ito ay unibersal na sinusuportahan ng mga mamamayang lokal, dagdag niya.
Salin: Lito