|
||||||||
|
||
FB Link: https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/506529933344062/
1. EPIDEMIKO NG COVID-19, MAPUPUKSA NG TSINA SA KATAPUSAN NG ABRIL
2. PINAKABAGONG DATOS KAUGNAY NG COVID-19
PAKSA 1
* "China is confident the outbreak of novel coronavirus disease (COVID-19) will be brought under control by the end of April." Ito po ang ipinahayag ngayong araw, sa press conference sa lunsod Guangzhou ni Dr. Zhong Nanshan ang puno ng Expert"s Team ng Tsina laban sa COVID-19.
* Nilinaw po niyang ang ibig sabihin ng "under control" ay "everything will be back on track by that time."
* Sinabi kamakailan ng Expert"s Team ni Dr. Zhong na mangyayari ang peak ng epidemiya sa kalagitnaan ng Pebrero, at may kompiyansa siya sa prediksyon ng kanyang grupo.
* Sinabi niyang tulad ng inaasahan, patuloy na bumababa ang bilang ng mga nahahawa, at kampante kami na "it will be largely contained (in China) by the end of April."
* Naniniwala rin aniya siya sa mga hakbang ng Tsina upang maiwasan at makontrol ang paglaganap ng sakit na dulot ng virus.
* Kahit sa Tsina nakumpirma ang unang kaso ng coronavirus, may posibilidad na hindi sa Tsina nagmula virus.
* Tutulungan ng Tsina ang ibang mga bansang apektado ng virus.
* "It is a disease of humans, not of a country," ani Zhong, at kailangang-kailangan ang internasyonal na kooperasyon.
* Kinakaharap ngayon ng South Korea, Iran at Italya ang pagtaas ng bilang mga kaso, kaya mahalagang maibahagi sa kanila ang mga hakbang na ginawa ng Tsina.
* Sa ilalim ng mahigpit na mekanismo ng pagkontrol at pag-iwas, mabilis na napababa ng Tsina ang bilang ng mga bagong kaso. Ito ang susi sa maagang pagdiskubre at pagkuwarentina ng mga nagkakasakit.
PAKSA 2:
* Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Pebrero 27, 2020, 433 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mainland Tsina.
* Samantala, 2,750 ang GUMALING sa araw na ito at 32,495 naman ang pangkalahatang bilang ng mga gumaling.
* Ang mga grabeng kaso ay bumaba sa 406 mula sa 8,346.
* Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 78,497 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland Tsina, at 2,744 ang pangkalahatang bilang ng mga namatay.
SOURCE:
https://news.cgtn.com/news/2020-02-27/Expert-China-to-contain-COVID-19-epidemic-by-end-of-April-Oq6HWNyzks/index.html
https://filipino.cri.cn/301/2020/02/27/109s166559.htm
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |