Sa komentaryong pinamagatang "Mga social media platforms ng Amerika, kasabwat ng mga rioters ng Hong Kong" na inilabas nitong Miyerkules, Agosto 21, 2019, ng China Media Group (CMG), tinukoy nito na sinuspendi kamakailan ng mga US social media platforms na tulad ng Twitter at Facebook ang halos isang libong accounts sa katwirang umano'y "pagpapakalat ng nasabing mga accounts ng mga 'pekeng impormasyon' tungkol sa demonstrasyon sa Hong Kong'," at nakuha nila ang "suporta mula sa panig opisyal ng Tsina."
Ayon sa mga anunsyong ipinalabas ng Twitter at Facebook, dalawang uri ng accounts na umano'y mayroong "violation contents" ay una, pagtutol sa paglusob ng mga rioters sa legislative council ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), pag-atake sa mga pulis, pagharang sa mga pampublikong transportasyon, paghampas sa mga mamamahayag, at iba pang karahasan; ikalawa, pagsuporta sa pagpapatupad ng batas ng panig kapulisan ng Hong Kong. Ngunit ang nasabing mga nilalamang may totoong litrato at katotohanan ay pawang itinuturing ng Twitter at Facebook bilang "pekeng impormasyon."
Ang nasabing balighong kagawian ng Twitter at Facebook ay talagang nagbabaligtad ng puti at itim at nagbabaluktot ng mali at tama, at lubusang tinanggal ang pagkukunwaring nagpapakita ng mukha sa "kalayaan sa pagsasalita." Ito ay nagiging kasabwat na pulitikal sa paglikha ng marahas na situwasyon sa Hong Kong.
Salin: Lito