|
||||||||
|
||
Hanggang Sabado, Pebrero 29, 2020 (local time), umabot na sa 593 ang bilang ng mga kurmpimadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sa Iran, at kabilang dito ang 123 na gumaling, at 43 namatay.
Ipinahayag ni Saeed Namaki, Ministro ng Kalusugan ng Iran, na ayon sa datos, mararating ang peak ng epidemiya sa kanyang bansa sa darating na linggo.
Kaugnay nito, hinihigpitan ng iba't-ibang departamento ng Iran ang paghahanda para harapin ang epidemiya, aniya.
Sa kasalukuyan, kinansela na ang nakakaraming palarong pampalakasan ng Iran, sinarhan ang napakaraming lugar na panturista, at pansamantalang ipinasara ang mga sinehan, paaralan, at iba pang mga lugar.
Makaraang i-abuloy noong Pebrero 25 at 26 ng Embahadang Tsino sa Iran ang 250 libong face mask at iba pang mga materiyal, dumating Sabado ng madaling araw, Pebrero 29 (local time), ng Tehran ang grupo ng mga ekspertong Tsino, dala ang bagong batch ng medikal na materyal.
Ipinahayag ng Iran ang taos-pusong pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina sa kanyang bansa sa mahirap na sandal.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |