Ipinatalastas sa Geneva nitong Biyernes, Pebrero 21 (local time), ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na pupunta sa lunsod Wuhan ang magkasanib na grupo ng mga eksperto na itinaguyod ng WHO para ipagpatuloy ang gawain nito doon. Aniya, ini-nominate niya ang 6 na espesyal na sugo sa kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ang mga miyembro ng nasabing magkasanib na grupo ay mula sa 8 bansang kinabibilangan ng Tsina, Hapon, Timog Korea, Singapore, Rusya, Alemanya, Amerika, at Nigeria. Sila ay pawang pinakamagaling na eksperto sa mga larangang gaya ng epidemiya, virus, pagkontrol sa kalagayang epidemiko, at pampublikong kalusugan.
Diin din ni Dr. Tedros dapat samantalahin ng iba't-ibang bansa ang pagkakataon para magkakasamang harapin ang kalagayang epidemiko.
Salin: Lito