Sa kanyang talumpati sa Ika-56 na Munich Security Conference (MSC), Sabado, Pebrero 15, 2020, sa Munich, Alemanya, ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) ang lubos ang lubos na paghanga sa ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Aniya, sa aspekto ng pagpigil sa pagkalat ng kalagayang epidemiko, ginawa ng Tsina ang napakalaking pagsisikap at sakripisyo, at dapat nitong matamo ang papuri ng komunidad ng daigdig.
Diin pa niya, dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyon para magkakasamang harapin ang kalagayang epidemiko. Bukod dito, nanawagan siya na dapat igiit ang atityud ng paghahanap ng katotohanan, at dapat ding magtulungan ang mga malaking media para mapigilan ang pagpapalaganap ng mga peke at di-totoong impormasyon.
Salin: Lito