Sa isang news briefing na idianos sa Beijing nitong Sabado, Pebrero 29, 2020, ipinahayag ng Mekanismo ng Konseho ng Estado sa Magkakasanib na Pagpigil at Pagkontrol, na kasunod ng walang tigil na pagdami ng mga nahahawa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), mabisang paraan ang magkasanib na paggamot sa pamamagitan ng medisinang Tsino at kanluranin upang mapahupa ang mga simtomas na gaya ng ubo at pamamaga ng lalamunan.
Kasalukuyang aktibong sinususugan ng kaukulang departamento ang ika-6 na bersyon ng plano sa panggagamot para mailakip dito ang mga mabisang paraan at estratehiya ng pagpapagaling.
Diin pa ng National Health Commission (NHC) ng Tsina, para sa iba't-ibang lugar, dapat ay bigyan sila ng patnubay alinsunod sa kani-kanilang aktuwal na kalagayan para maigarantiya ang araw-araw na pangangailangang medikal ng mga maysakit at mamamayan.
Salin: Lito