Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Marso 2, 2020, 202 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Samantala, 141 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 42 ang namatay, at 2,873 ang gumalingsa nasabing araw.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 80,026 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland ng Tsina, at 715 ang umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Dagdag pa riyan, 44,462 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 2,912 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Salin: Vera