|
||||||||
|
||
Si Philippe Klein ay isang doktor na Pranses na nagtatrabaho sa Wuhan Union Hospital, Tsina.
Sapul nang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), minabuti niyang manatili sa Wuhan, episentro ng COVID-19, at gawin ang kanyang sinumpaang tungkulin.
Sa kanyang panayam ng China Media Group sa telepono, isinalaysay ni Klein na sa kasalukuyan, unti-unting nadaragdagan ang bilang ng mga gumagaling, at bumababa ang mga bagong kumpirmadong kaso.
Aniya, masasabing lumipas na ang peak period ng epidemiya sa Wuhan, at may positibong bunga ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Saad ni Klein, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang kagila-gilalas na hakbangin sa pagpuksa sa epidemiya.
Hinimok aniya ng Tsina ang ilandaang milyong mamamayan na magkuwarentenas sa kani-kanilang bahay. Ito aniya ay walang katulad sa kasyasayan.
Dahil dito, mabisang naputol ang tsanel ng pagkalat ng virus, at naging mabunga ang isinagawang hakbangin sa pagpigil sa epidemiya.
Sa tingin niya, ang ginawang pagsisikap ng Tsina at sakripisyo ng mga tauhang medikal at residente sa Wuhan ay nangangalaga, hindi lamang sa mga mamamayang Tsino, kundi sa buong sangkatauhan din.
Iminungkahi ni Klein na tularan ng ibang bansa ang karanasan at mga mabisang hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |